Posts Tagged ‘Statements/Interviews/Messages’

Pagtugon sa Tawag ng Tungkulin o “Call to Active Duty”

Wednesday, March 31st, 2010

Liham para sa Bayan
JAMES LAYUG MAGDALO
Marso 26, 2010
(Itinala sa selda A-2 AFP Custodial Center, Quezon City)

Sa Bayan kong Mahal,

15 taon na ang nakalilipas, March 04, 1995 ng ako ay nagtapos sa Philippine Military Academy. Tandang tanda ko pa ang pakiramdam ng iabot ni Pangulong FVR ang aking diploma at ang kaakibat na responsibilidad kasama nito. Ako ay tuwang-tuwa at excited na simulan at isakatuparan ang aking tungkulin na maglingkod sa bayan at maging taga-pagtanggol ng ating mamamayan.

Marami pong nangyari sa aking buhay militar mula noong panahong iyon may mabuti at may di gaanong mabuti ngunit sa pangkalahatan naging maganda at produktibo po ang aking buhay serbisyo. Ako po ay na destino sa iba’t ibang lugar, naki-salimuha sa iba’t iba nating mga kababayan, at nagkaroon ng oportunidad na marinig ang sari-saring hinaing ng ating mamamayan. Sa ganitong paraan ako po ay namulat sa katotohanan na malaki ang problema ng ating Bayan.

Kung kaya’t noong July 2003 ako po ay sumama sa Oakwood at muli noong November 2007 kami po ay nanindigan sa Manila Penn upang pigilan ang pagpapasasa ng isang rehimeng magnanakaw, mandaraya at manloloko na siyang nagbabaon sa kahirapan sa ating mga kababayan. Kami po ay nanawagan ng kaayusan sa ating mga lider di lamang para sa kapakanan natin ngunit para na rin sa kinabukasan ng susunod na henerasyon. Sa ganitong kadahilanan kami po ay ikinulong at tinangal sa serbisyo.

At doon po nagtapos ang yugto ng aking buhay militar. Ngunit hindi ang aking patriyotikong tungkuling maglingkod sa bayan. Kung kaya’t aking napag desisyunan na ialay muli ang aking serbisyo sa bayan at sa pagkakataong ito ay sa pamamagitan ng paglahok sa arena ng lehislatura.

Marami ang nagtatanong, “bakit ka lalahok sa pulitika?” Ako po ay lalahok sa pulitika ngayong halalan sa Mayo sa tatlong kadahilanan.

Una, upang ipagpatuloy ang aming mga ipinaglalabang adbokasiya noon sa Oakwood at isulong ang Bagong Pulitika. Isang pulitika na naka-angkla sa prinsipyo ng: Nationalismo o ang pagmamahal sa sariling lahi. Patriotismo o ang pag-ibig sa bayan. Idealismo o ang pagtindig sa katarungan at katotohanan. At Altruismo o ang palilingkod ng may malasakit sa kapwa.

Ikalawa, ako ay naniniwala na mas maipaglalaban ko ang interes ng residente ng 2nd district ng Taguig sapagka’t malaking bahagi nito ay binubuo ng military barrios. Bukod sa ako ay militar, ay anak din ako ng isang enlistedman kung kaya’t naiintindihan ko ang hirap na dinadaanan ng bawat pamilyang militar. Ang ibang sector naman tulad ng urban poor, labor, muslim community, at kabataan ay aking nakahalubilo at nakasalamuha sa aking paglaki sa naturang lugar kung kaya’t sila ay kaya kong bigyan boses sa lehislatura sa pamamagitan ng pagsulong ng mga sumusunod na adbokasiya; Good Governance, Social Equity, People Empowerment, Justice, Peace and Order, at Environmental Protection and Management.

Ang Ikatlo, ay dahil po sa Pag-asa, isang “Bagong Pag-asa.” Matapos ang Oakwood at ang pagka-panalo ni Sen Trillanes bilang senador ay itinali na ng marami nating kababayan ang kanilang pag-asa na makamit ang isang matino, malinis, at maayos na pamahalaan sa grupong “Magdalo.” Kung kaya ako po ay lalahok sa pulitika upang makatulong na maisakatuparan ang pag-asang ito.

Ang sunod na katanungan ng nakararami ay, “kaya mo bang manalo laban sa makinarya at salapi ng Trapo Politics?” Nuong una ay may agam-agam sa aking isip. Ngunit ngayong nakikita ko kayo at nadaramdaman ang maalab na pagsuporta ninyo, ang sagot ko po ay isang kampanteng, OO. Ang “Lakas ng nakakaisang Sambayanan” ang itatapat natin sa mga trapo. Sama-sama nating isusulong ang tunay pagbabago at sasagasaan natin ang anumang balakid na haharang sa atin upang makamit ang isang mapayapa, masagana at maunlad na bukas.

Sa araw na ito ako ay muling tumutugon sa tawag ng tungkulin o “Call to Active Duty”. At muli aking ini-aalay ang aking serbisyo sa sambayanan.

Ako po si LTSG JAMES ARANDILA LAYUG. Isang Magdalo. Isang Bagong Katipunero.

Mahaba man ang dilim. Malayo man ang umaga. Mahirap man ang maging paglalakbay. Sama-sama nating tatahakin ang landas patungong silangan upang salubungin ang bukangliwayway ng bagong pag-asa.

Mabuhay ang Pagbabago!

Mabuhay ang Sambayanang Pilipino!

(Sgd) LTSG JAMES LAYUG

Ang bukas na inaasam natin ay nasa ating mga kamay

Wednesday, November 25th, 2009

Sa Bayan kong mahal.

Anim-na-taon na ang nakalipas nang kami po na mga Kasundaluhan sa AFP na nakilala sa pangalang MAGDALO ay nagtungo sa OAKWOOD upang manindigan laban sa isang mapang-abuso at kurap na administrasyon. Kami po ay lumabas ng aming mga kampo upang pigilan ang pagpapasasa ng isang rehimeng magnanakaw, mandaraya at manloloko na siyang nagbabaon sa kahirapan sa ating mga kababayan. Kami po ay naglabas ng hinaing at nanawagan ng pagbabago at kaayusan sa pamamahala ni GMA at ng kanyang liderato ngunit sa halip na kami ay pakinggan kami ay niloko, hinubaran ng karapatan at itinapon sa piitian.

Sa nagdaang mga panahon wala pong nagbago. Lalong lumala ang ating kalagayan. Tumaas ang kahirapan, lumala ang kurapsyon, umasenso ang mga naghaharing politiko, at napabayaan ang mga mamamayan. Si GMA at ang kanyang pamilya ay nabaon sa isang litanya ng iskandalo at pagkakasala sa bayan tulad ng Macapagal Blvd, Jose Pidal Acct, PIATCO, Fertilizer Scam, Road Users Tax, MO-Ad, Greenbase, ZTE NBN Deal, North Rail, HELLO GARCI, at marami pang-iba. Nawalan ng direksyon ang bansa at lalong nawalan ng pag-asang makaahon sa ilalim ng “Mafia Style Corruption” na ipinaiiral ng mga kasalukuyang namumuno.

Sa ngayon bagama’t kami ay naka-piit, ang puso at diwa namin ay nananatiling tapat at buo para sa bansa. Hindi kayang harangin ng mga rehas na bakal at bakod na pader ang aming adhikain na makamit ang isang tunay na malaya at demokratikong bansa. Sa tulong ninyo aming mga Kabisig, mga Kasama sa pakikibaka, at mga Kaisa sa paniniwala ay itutuloy natin ang laban para sa isang mapayapa, maunlad at masaganang bukas.

Ngayong halalan sa 2010 gamitin natin ang lakas ng balota upang maging instrumento sa pag-pili ng mga tamang lider na paglilingkuran ang interes ng mamamayan. Ang bukas na inaasam natin ay nasa ating mga kamay. Tayo ang magpapasiya kung saan patutungo ang ating bayan. Sama-sama nating isulong ang Bagong Pulitika. Isang pulitaka na kakatawan sa boses ng masa, ipaglalaban ang interes ng bayan, babantayan ang kalikasan at maglilingkod ng tapat sa mamamayan. Bagong pulitika na naka-angkla ang plataporma sa patriotismo, nationalismo, idealismo, at altruismo. Pulitika na hindi nakatali sa salapi bagkus ang pinapahalagahan ay ang malasakit sa kapwa.

Ito po ang pulitika ng Pagbabago. Ito po ang pulitika ng Magdalo. Ito po ang nasa puso ko at ng mga kasama kong Bagong Katipunero na sina BGen Danny Lim, Col Ariel Qureubin, Cpt Gary Alejano, Cpt Dante Langkit, at Cpt Ashley Acedillo.

ANG BUKAS NA INAASAM NATIN AY NASA ATING MGA KAMAY

Wednesday, November 25th, 2009

Ikaw at Ako ang Lakas ng PAGBABAGO
JAMES LAYUG MAGDALO
Pahayag sa Comelec Nobyembre 25, 2009
(Itinala sa selda C-5, Bldg Charlie PNP Custodial Center, Quezon City)

President, Magdalo para sa Pagbabago Movement Inc.

Magdalo Statement on the junking of their petition for party accreditation

Friday, October 30th, 2009

PRESS STATEMENT OF THE MAGDALO GROUP

Marso Café and Restaurant – October 30, 2009

With due respect to the Second Division of the Honorable Commission on Elections, ang Grupong Magdalo ay naniniwala na ang RESOLUSYON na inilabas nila kamakailan lamang patungkol sa aming petition for accreditation bilang partido politikal ay HINDI PATAS, WALA SA AYOS, at PUNO NG BUTAS dahil sa mga sumusunod na dahilan:

1. Ang RESOLUSYON ay base sa espekulasyon lamang, at nakatuon sa mga MOTIBO raw ng mga tagapagtatag ng grupong MAGDALO PARA SA PAGBABAGO (“Magdalo”). Ang RESOLUSYON ay hindi po base sa ebidensiya but on pure conjecture and presuppositions; (more…)

Who is LTSG JAMES LAYUG?

Thursday, October 22nd, 2009

LTSG James Arandila Layug was born July 12, 1970, in Cavite Naval Hospital, Cavite City. His father, CPO Wilfredo Layug, was an enlisted man who served the Philippine armed service for more than 30 years. In 1974 their family moved to a military barrio at Western Bicutan, Taguig where he grew up in the company and friendship of other enlisted personnel’s children commonly referred to as “Batang Mess Kit”. He attended elementary and high school at Malate Catholic School where he learned the values of Christian faith. (more…)

Remember Oakwood

Tuesday, July 28th, 2009

To my beloved countrymen,

Six years ago today 300 young officers and men of the AFP went to Oakwood Makati to air their grievances against a corrupt leadership who advocates state terrorism as a national policy. Armed only with the desire for change and a vision for a better country they tried to sound the alarm of patriotism to wake up the Filipinos enslaved in poverty by this corrupt system and corrupt leaders. Unfortunately their call was a voice in the wilderness. They got incarcerated, persecuted, and ridiculed.

At present we are neck deep in shit because of our subservience and non-action.GMA and her cohorts have drained the country of its resources and bastardized every institution in our society for the past eight years. History have absolved these young patriots. They were vindicated by recent events which validates their message at Oakwood. Let us not forget the spirit of Oakwood and continue the fight for a better country. It’s about time that we all stand up, reclaim what is ours and assert our sovereign will…

(more…)