Posts Tagged ‘Opinions’

Seven years in detention, 10 Magdalo officers sentenced to 8 months in prison

Friday, April 9th, 2010

By Ellen Tordesillas
April 9, 2010

Lim reading withdrawal of support from Arroyo government(Lim reading withdrawal of support from Arroyo government)

A military tribunal sentenced on Wednesday to eight months in prison 10 former military officers from the reformist group Magdalo for their their participation in the November 2007 incident at the Manila Peninsula Hotel in Makati City, their lawyer said yesterday.

The 10, led by Magdalo core leaders Lt. (sg) James Layug and Capt. Gary Alejano, were given the light verdict after pleading guilty to all the four remaining charges filed against them before the court headed by Maj. Gen. Eduardo Oban.
The eight other officers were Lts. (sg) Eugene Gonzales, Andy Torrato, Manuel Cabochan; Capt Dan Orfiano; Lt. (jg) Arturo Pascua; and 1Lts. Billy Pascua, Jonnel Sangalang, and Armand Pontejos.

Lawyer Ed Abaya said his clients pleaded guilty to charges of violation of Articles of War 63 (disrespect to the President), 96 (conduct unbecoming of an officer and a gentleman), 97 (conduct prejudicial to good order and military discipline) and 70 (escape from confinement). The charge of mutiny was dropped.

Abaya said he and his clients tried to enter into a plea bargaining agreement, by pleading guilty to one of the charge in exchange for the dropping of the three other offenses, but the prosecution opposed it.

Abaya said the court, in handing down the sentence, credited the detention of his clients since the commission of the alleged crime. The accused actually have been in detention since July 2003 for their participation in what is called Oakwood mutiny.

On November 28, 2007, the ten officers together with Sen. Antonio Trillanes IV and Brig. Gen. Danilo Lim walked out of the hearing of their coup d’etat case at the sala of Judge Oscar Pimentel at the Makati Regional Court and proceeded to the Manila Peninsula where they declared withdrawal of support from Gloria Arroyo.

Last February , Makati Regional Trial Court Judge Elmo Alameda granted the petition for bail of the accused who include Sen. Antonio Trillanes IV, Brig.Gen. Danilo Lim, the ten officers and six former enlisted men saying that what happened in Nov 2007 was not rebellion but simply contempt of court. He set a P200,000 bail for each of the accused.

The six enlisted men were released on bail. Alejano, who is running for mayor in Sipalay, Negros Occidental and James Layug, who is running for congressman in the second district of Taguig city, posted bail but the military took custody of them because of the court martial case. They are now detained at the ISAFP compound in Camp Aguinaldo.
The eight other officers are detained in Camp Crame custodial center.

Trillanes was not included in the court martial case because he was no longer in the military at the time of the Manila Pen incident.

Capt Nicanor Faeldon, who escaped during the Manila Pen siege, was also charged with mutiny and several other charges.

Abaya said the latest development will pave the way for his clients’ eventual freedom. “They are going o go out. Their period of detention is more than two years (since the Manila Peninsula Hotel siege).They should be ordered released, unless there are pending cases before the military tribunal,” he said.

Abaya said the verdict would be referred to Armed Forces chief Gen. Delfin Bangit, the court’s convening authority, for review. Nevertheless, he said he expects the military leadership to uphold the the court’s decision.- with report by Victor Reyes

Related links:

http://www.ellentordesillas.com/?p=9638
http://www.ellentordesillas.com/?p=9594

Lipat kulungan lang

Tuesday, March 16th, 2010

Ni Ellen Tordesillas
Marso 03, 2010

Paglabas sa kulungan sa Camp Crame, lumipat lang sa kulungan sa Camp Aguinaldo. Itong ang nangyari kina Marine Capt. Gary Alejano at Navy Ltsg James Layug ng grupong Magdalo na nanindigan sa pekeng presidente na si Gloria Arroyo.

Noong Pebrero 17, inaprubahan ni Judge Elmo Alameda ng Makati regional Trial Court ang pagpiyansa ng 18 opisyal at sundalo na sangkot sa Nov 2007 na insidente sa Manila Peninsula. Maliban kay Brig. Gen. Danny Lim, ang kasama doon ay miyembro ng grupong Magdalo sa pangunguna ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Sabi ni Alameda hindi naman rebelyun ang nangyari noon at walang rason para hindi sila payagan magpiyansa.

Kaya nagpiyansa naman sina Alejano at Layug noong Pebrero 19. Si Alejano at Layug ay kumakandidato para sa halalan sa Mayo. Si Alejano ay tumatakbong mayor sa Sipalay, Negros Occidental at si Layug naman ay para congressman sa pangalawang distrito ng Taguig.

Akala nina Alejano at Layug ay lalaya na sila kahit pansamantala para naman maasikaso nila ang kanilang kampanya. Mali pala kasi paglabas nila sa Camp Crame custodial center, kinuha sila ng military at nilipat sa ISAFP (Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines) compound.

Nandun ngayon sina Alejano at Layug. Magkasama sila doon ni Marine Col. Ariel Querubin.

Ang tatlong sibilyan na nakasama sa Manila Pen (Julius Mesa, Cesari Gonzales at Emmanuel Tirador) na kasama sa 18 nakakulong sa Crame ay nagpiyansa na rin at pinayagang makalaya. Dapat naman.

Matagal nang naalis sa military service ang mga opisyal ng Magdalo na unang nagwithdraw ng suporta sa pekeng administrasyon ni Gloria Arroyo noong Hulyo 2003 sa Oakwood sa Makati. Sibilyan na sila. Kaya mahirap intindihin na pinagpipilitan ng military isa-ilalim sila.

Nakakalungkot para sa pamilya at kaibigan nina Alejano at Layug ngunit ganun talaga habang si Arroyo ang sa kapangyarihan.

Para sa kanila tuloy ang buhay kahit sa kulungan.

Huwebes ng gabi (Marso 4) may fundraising para sa kandidatura ni James Layug sa Blue Leaf Pavilion, Mc Kinley, Global City, Taguig.

Nasa balita ngayon ang second district ng Taguig dahil idineklara noong isang linggo ng House of Representatives Electoral Tribunal si Angelito R. Reyes, anak ni Energy Secretary Angelo Reyes, na siyang tootong nanalo noong 2007 na eleksyun sa pagka-congressman ng 37 na boto kay Henry Dueñas na siyang naka-upo ngayon.

Parehong tumatakbo sina Reyes (independent) at Dueñas (Lakas-Kampi) ngayon para congressman. Ang kandidato ng Liberal Party ay si Freddie Tinga na mayor ngayon. Ang kandidato naman ng Nacionalista Party ay si Andin Alip.

‘Yan ang mga kalaban ni James Layug.

Minaliit ni Ermita kandidatura ni Lim, Layug at Alejano

Monday, February 22nd, 2010

Ni Ellen Tordesillas
Pebrero 17, 2010

Ang yabang talaga nitong executive secretary ni Gloria Arroyo.

Minaliit kahapon ni Executive Secretary Ermita ang kandidatura ni Brig. Gen. Danny Lim at ang dalawang Magdalo na oisyal, si James Layug, dating kapitan sa Philippine Navy na ngayon ay tumatakbo para kongresista sa second district ng Taguig, at si Gary Alejano, dating Marine captain na ngayon ay tumatakbo para mayor ng Sipalay sa Negros Occidental.
Tinatanong si Ermita kung ang pagpayag ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court na makapagpiyansa sina Sen. Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim, at ang 16 na Magdalo na opisyal at sundalo kasama na doon sina Layug at Alejano ay makakatulong sa kanilang kandidatura, ang sagot ni Ermita na painsulto “Oh..oh…oh.. Only in the Philippines.”

Nakalimutan na yata ni Ermita na minaliit din nila noong 2007 si Trillanes. Kaya nga nila pinayagan kumandidato kasi akala nila walang pagasang mananalo. Kasi nga naman, walang pera, nakakulong pa.

Kaya malaking sampal sa mukha nila ang pagkapanalo ni Trillanes, ang talagang nanlaban at lumalaban sa pagtraidor at pang-aabuso ni Arroyo sa bayan.

Ito namang pagpayag ni Alameda na ppwede na sila mag-bail sa kasong rebelyon kaugnay ng Nov 2007 na insidente sa Manila Peninsula, ang tuno ni Ermita ay wala rin mangyari dyan kasi dalawang kaso ang hinaharap ng mga Magdalo.

Maliban sa 2007 na rebelyon, nandiyan pa rin ang 2003 na coupd’etat kaugnay ng paninindigan nina Trillanes sa Oakwoon Hotel noong Hulyo 2003.

Sabi ni Ermita, iku-contest dawn ng prosecution ang pagpiyansa nina Trillanes, Lim, Layug, Alejano at 14 pa dahil malakas daw ang kaso nila.

Sinabi kasi ni Alameda sa mga ebidensya na binigay ng prosecution, ang maa-aring kasalanan nina Trillanes ay “contempt of court” at hindi rebelyon.

Sabi ni Alameda, “No direct, material and competent evidence adduced to prove the specific act committed by the accused constituting the crime of rebellion or any of the elements thereof. The walkout from the court, the marching to the Manila Peninsula hotel and the press conference held in the same hotel denouncing the administration of President [Gloria Macapagal-]Arroyo are not sufficient to prove the non-bailable crime of rebellion.”

Ang rebelyon kasi ay kung nag-alsa ang maraming-maraming taong may armas ang umalsa. Sabi ni Alameda hindi yan napatunyan ng prosecution.

Hindi talaga mapatunayan dahil wla naman talagang rebelyon.

Kung maayos ang pagpiyansa ng mga nakakulong na mga opisyal, baka si Trillanes na lang nag maiwan dahil hindi naman siya pinapayagan mag-piyansa sa coup d’etat niyang kaso kaugnaay ng insidente sa Oakwood.
Kahit ganun, nagpapasalamat si Trillanes at mukhang hindi napi-pressure si Alameda.

Manila Peninsula: 29 November 2007

Friday, November 27th, 2009

(Herewith is an article written by Ellen Tordesillas two years ago after the Manila Penn incident: November 29, 2007)

Maganda ang sinabi ni Bibeth Orteza, scriptwriter, nang tanungin siya ni Ces Drilon ng ABS-CBN, bakit siya nanatili roon sa Manila Peninsula, katabi nina Sen. Antonio Trillanes IV at Brig. Gen. Danilo Lim noong Huwebes kahit nagsimula nang balyahin ng tangke ang hotel at pumapasok na ang tear gas.

Sabi ni Bibeth, bilang isang breast cancer survivor, gusto niyang maging makabuluhan ang bagong taning na buhay na binigay sa kanya ng Panginoon. Kaysa mamatay siya sa sakit, mas gusto na niyang makabuluhan ang kanyang kamatayan. At kung mangyayari ‘yan sa oras na ‘yun dahil sa kanyang pakikiramay sa mga nag-aalay ng kanilang buhay para maibalik ang katotohanan at hustisya sa bansa, mas gusto niya ‘yun.

Isa si Bibeth sa hindi tinalian ang kamay ng plastic.

Kami na mga journalist ay pumalag sa pagtali ng aming mga kamay. Sabi namin, wala kaming kasalanan, bakit kami tinatratong mga kriminal? Wala namang idineklarang martial law, bakit ang mga sundalo ang nagpapalakad ng batas?

Nakakainsulto pa, kasi ang ginamit pang pantali ay plastic na ginagamit sa grocery items. Ginawa pa kaming paninda sa grocery.

Hindi ko alam kung talagang mahilig silang mag-torture. Tinalian ang kamay ng marami sa amin, tapos nagbigay ng naka-empakeng hapunan. Paano naman makakakain ang mga nakatali ang kamay? Hanggang inom na lang sila ng tubig. Kinailangan pa namin na mga libre ang kamay na buksan ang bote ng tubig para sila’y makainom.

Nahiwalay si Bibeth sa amin sa pagsakay sa bus. Napunta siya doon sa bus ng mga Magdalo na sundalo. Sabi ni Bibeth, siyempre malungkot ang pakiramdam ng lahat.

Si Bibeth kasi, talagang grabe ang sense of humor n’yan kaya sa gitna ng ganoong malungkot na sitwasyon, nakakita pa rin siya ng masayang aspeto. Tiningnan niya ang mga makikisig at mga guwapong sundalo sa bus at sabi niya, ito na ang kanyang pantasya.

Sinabi niya sa kanilang lahat: “Sa buong 54 na taong buhay ko (birthday ni Bibeth sa Dec. 11), ngayon lang ako napaligiran ng ganito karaming hunks. Ngunit useless naman, kasi lahat naman nakatali ang kamay sa likod.” Tawanan lang lahat.

Lumapit sa kanya si Lt(SG) James Layug. Sabi ni James, “Ma’am, I’m sorry at hindi kami nagtagumpay.” Sabi ni Bibeth, ayaw niya sanang umiyak kasi sa oras na ‘yun gusto niyang maging matatag. Ngunit hindi niya mapigilang mapaluha.

Sabi pa ni James, gusto niyang magbigay ng regalo kay Bibeth ngunit ang mayroon lang siya ay ang kanyang sumbrero. Problema lang, nakatali ang kamay sa likod. Inilapit ni James ang kanyang ulo kay Bibeth at inihulog ang sumbrero. Sabado na ng madaling-araw nakalabas sina Bibeth sa detention. Malungkot isipin na ang sakripisyo ng mga magigiting na sundalo para sa katotohanan at hustisya sa bayan ay hindi napantayan ng mga sibilyan.

Ngunit sa mahabang oras na ‘yun noong Huwebes, nakita ni Bibeth ang tunay na kagitingan nitong mga batang Magdalo na opisyal. Para kay Bibeth, ‘yan ay isang pambihirang privilege na kanyang pinapahalagahan ###

Ang bukas na inaasam natin ay nasa ating mga kamay

Wednesday, November 25th, 2009

Sa Bayan kong mahal.

Anim-na-taon na ang nakalipas nang kami po na mga Kasundaluhan sa AFP na nakilala sa pangalang MAGDALO ay nagtungo sa OAKWOOD upang manindigan laban sa isang mapang-abuso at kurap na administrasyon. Kami po ay lumabas ng aming mga kampo upang pigilan ang pagpapasasa ng isang rehimeng magnanakaw, mandaraya at manloloko na siyang nagbabaon sa kahirapan sa ating mga kababayan. Kami po ay naglabas ng hinaing at nanawagan ng pagbabago at kaayusan sa pamamahala ni GMA at ng kanyang liderato ngunit sa halip na kami ay pakinggan kami ay niloko, hinubaran ng karapatan at itinapon sa piitian.

Sa nagdaang mga panahon wala pong nagbago. Lalong lumala ang ating kalagayan. Tumaas ang kahirapan, lumala ang kurapsyon, umasenso ang mga naghaharing politiko, at napabayaan ang mga mamamayan. Si GMA at ang kanyang pamilya ay nabaon sa isang litanya ng iskandalo at pagkakasala sa bayan tulad ng Macapagal Blvd, Jose Pidal Acct, PIATCO, Fertilizer Scam, Road Users Tax, MO-Ad, Greenbase, ZTE NBN Deal, North Rail, HELLO GARCI, at marami pang-iba. Nawalan ng direksyon ang bansa at lalong nawalan ng pag-asang makaahon sa ilalim ng “Mafia Style Corruption” na ipinaiiral ng mga kasalukuyang namumuno.

Sa ngayon bagama’t kami ay naka-piit, ang puso at diwa namin ay nananatiling tapat at buo para sa bansa. Hindi kayang harangin ng mga rehas na bakal at bakod na pader ang aming adhikain na makamit ang isang tunay na malaya at demokratikong bansa. Sa tulong ninyo aming mga Kabisig, mga Kasama sa pakikibaka, at mga Kaisa sa paniniwala ay itutuloy natin ang laban para sa isang mapayapa, maunlad at masaganang bukas.

Ngayong halalan sa 2010 gamitin natin ang lakas ng balota upang maging instrumento sa pag-pili ng mga tamang lider na paglilingkuran ang interes ng mamamayan. Ang bukas na inaasam natin ay nasa ating mga kamay. Tayo ang magpapasiya kung saan patutungo ang ating bayan. Sama-sama nating isulong ang Bagong Pulitika. Isang pulitaka na kakatawan sa boses ng masa, ipaglalaban ang interes ng bayan, babantayan ang kalikasan at maglilingkod ng tapat sa mamamayan. Bagong pulitika na naka-angkla ang plataporma sa patriotismo, nationalismo, idealismo, at altruismo. Pulitika na hindi nakatali sa salapi bagkus ang pinapahalagahan ay ang malasakit sa kapwa.

Ito po ang pulitika ng Pagbabago. Ito po ang pulitika ng Magdalo. Ito po ang nasa puso ko at ng mga kasama kong Bagong Katipunero na sina BGen Danny Lim, Col Ariel Qureubin, Cpt Gary Alejano, Cpt Dante Langkit, at Cpt Ashley Acedillo.

Saradong pag-iisip sa Comelec

Tuesday, November 3rd, 2009

By Ellen Tordesillas
02 Nov 2009

Palagi sinasabi ng mga hindi sang-ayon sa ginawa ng Magdalo na sundalo sa Oakwood noong Hulyo 2003 at sa Manila Peninsula noong Nobiembre 2007 na kung ayaw mo ng palakad ng kasalukuyang administrasyon, tumakbo kayo sa eleksyun.

Ganun nga ang ginawa ni dating Ltsg Antonio Trillanes IV noong 2007 na eleksyun at laking gulat ng lahat na nanalo siya kahit hindi nakakulong siya at hindi siya gumastos ng malaki katulad ng marami sa sa kandidato ng administrasyun na natalo naman.

Talagang gusto ng mga dating sundalo na ito na makilahok sa pagpatakbo ng pamahalaan para maipatupad nila ang pagbabago na kanilang ninanasa para sa bayan kaya sila nag-apply ang kanilang grupo, ang Samahang Magdalo sa Commission on Elections para maisali sa partylist at makatakbo sa eleksyun ang kanilang mga kandidato.

Ano ang ginawa ng Comelec? Dis- aprub. (more…)